Tula
Ang tula ay anyo ng panitikan at ito ay binubuo ng taludtod. Ang tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud. Ang nasa ibaba ay halimbawa nang tula tungkol sa Politika. ANG LARO NG MGA MAGNANAKAW Tulad ng ibang laro, May matatalo at mananalo, Ang matatalo ay mamatay na bigo, Ang mananalo ay pupunta sa impyerno, Ito ang laro ng mga politiko. Isa lamang ang layunin nitong laro, At iyon ay magnakaw ng mas higit sa katunggali mo, Kung ikaw ay nasa pinakamataas na puwesto, Higpitan mo ang hawak sa nakaw mo. Hindi ka makakatakas sa larong ito, Tila talo ka kahit ano ang piliin mo Walang katahimikan kahit sa pagkapanalo, Sa huli ang lahat ay nakasalalay sa disisyon mo. Handa ka na ba maglaro?